Book Review: If You Read and Love Filipino Literature – YOU MUST READ THIS BOOK! [Bob Ong’s “Si”]

Writter’s Note: Yes, I am a Filipino. Yep. You can add that to the things that you know about me. I don’t know if Book Reviews will be a regular part of this blog. Let’s see about that. And a very important reminder; the following post will be mostly written in Filipino since I am going to talk about a book written in Filipino (but if you want me to translate this post, just comment below)

Noong sinabi niyang “Lahat” at naka-italicize yung nabasa mong salita. Oo, isa iyong hudyat upang mag-isip ka kung papaano mo babasahin ang librong ito.

At sa wakas, kung hindi mo pa nakukuha ang mensahe, muli nang nagbabalik ang tagapagligtas ng makabagong mambabasang Pilipino at ang superhero ng mga tagasulat ng contemporary literature sa Filipino, si Bob Ong. At syempre bitbit niya ang latest niyang libro, ang librong pinapamagatang “Si”.

Si

Kung hindi ka pa sigurado kung lumabas na nga ba ito at kung nag-aalangan ka kung nabasa ko na nga ba ito eh hindi mo pa nakikita ang Si sa bookstore na may pangalang nagsisimula sa titik N, malamang dahil ‘yon sa available pa lang ata ang librong ito sa bookstore na may pangalang nagsisimula sa F. Doon ko pa lang kasi nabalitaang mayroong stock ng Si at ang bookstore na iyon ay may branch sila sa pinuntahan kong mall.

Ang Si ay isang 180 na pagbabago sa istilo ng pagsulat ni Bob Ong. Siguro nga ginulo niya kayo kung papaano mo babasahin ang aklat na ito pero mukhang iyon lang ang rule breaking na ginawa niya para sa akda niyang Si. Kung mababasa mo ito ng matino, makikita mong hindi colloquial ang mga ginamit niyang mga salita. Ang mga istruktura ng kanyang mga pangungusap ay higit na tugma sa mga patakaran kung paano sumulat ng tamang pangungusap sa Filipino. Ang tunog ng kanyang pagkukwento ay higit na mas banayad at mas pormal kaysa sa ating nakasanayang nating istilo ni Bob Ong. Pati ang cover ng librong ito ay mas tame kaysa sa mga cover ng ilan niyang mga aklat. Masasabing sumunod siya sa mga standards para sa librong ito. Pero kung inaakala mong bumaba ang kalidad ng kanyang pagsusulat dahil sumunod siya sa proper standards of writing, eh diyan ka nagkakamali. Napatunayan niyang isa siyang magaling na manunulat at hindi lang puro tyamba ang pagiging bestseller niya all these past few years.

Oo, maraming kumekwestyon kung kaya ba niyang magsulat ng matinong literature gamit ang midyum na ginagamit ng isang conservative at purist na Filipino writer, well, kaya niya. Sa librong ito mo mapapatunayan na hindi lang dahil sa pagiging moderno niya sa pagasasalita at pagsusulat kaya siya naging sikat. Magaling na manunulat si Bob Ong. Ikaw lang ang naghinala noong umpisa.

Ayoko kong magcomment ng tungkol sa plot; kung sino si Si. Kung bakit “Si” ang title nito. Kung sino si Victoria, kahit na alam mo nang love interest yun ni Si simula pa lang nung flinip mo ang librong ‘to at umasa kang may summary sa likod pero ang tangi mo lang nakita ay dialogue. Syempre ang mahiwagang tanong ay: Malalaman mo ba kung sino si “Si” sa unahan, gitna o wakas ng istorya? Ayokong sabihin. Isa lang masasabi ko. Maganda ang buhay niya; nakakakilig, nakakaiyak, nakakainspire at fulfilling na basahin. Parang buhay mo kung isusulat ni Bob Ong ang biography mo kaya lang tingin ko mahal yun! Hehehe!

Basta, sa pagtatapos ng kwentong ‘to mapapabuntong-hininga ka at masasabi mong “aaaawwwww……” Ito yung kwentong may idea ka na kung paano magtatapos pero hindi ka sigurado. Iyong alam mo nang lovestory pero hindi cheesy. Yung alam mo nang parang kwento ng lolo’t lola mo pero hindi boring. Iyong medyo review ng History pero okay lang, hindi mo tutulugan. Ang galing lang ng pagkakasulat at pagkakagawa ng istorya. Para siyang kwento ng tatay, lolo, lola, tito, tita mo. Lovestory ng nanay at tatay ng guwardiya at janitor niyo sa school o kaya ng professor mo sa college. Relatable siya. May kakilala kang ganito ang istorya at masasabi mong istorya natin siyang lahat.

Oo naman, kailangan mong mabasa ang librong ito! Dahil naniniwala akong, isa ito sa pinakamahusay na akda ni Bob Ong. Wala pa siya sa “hype” level ngayon at magugulat ako kung hindi ito magiging sikat kaya kailangan nitong maging sikat!

PASIKATIN ANG “SI” ni BOB ONG! GO~!

Pero, seryoso, pagkabuklat mo kailangan mo munang isiping mabuti kung papaano sisimulang basahin ang librong ‘to! Hindi nga…. Totoo nga! (Huwag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan!)